2.07.2009

El Autentico Rodrigo Leal/Finding Rodrigo Summaries (By Boen)


01-06-2009


Continuous pa rin yung botohan, at pilit na gustong i-manipulate ni Anibal yung results. Syempre ayaw pumayag nung engineer na may hawak sa system, at kahit anong pilit ni Anibal, ayaw nyang ibigay ang results.

Paglabas nina Rodrigo sa station papunta ng Hotel, nag good luck si Lucas sa kanila at inabisuhan nya na masama ang lagay ng boto ni Rodrigo, lamang Felipe sa kanya.

Pagdating sa hotel, sarcastic ang turing ni Carmen sa kanya, habang mejo kinakabahan at confident si Rodrigo. Nang iaabot na nung engineer yung sobre kay Carmen, bigla itong inagaw ni Anibal at lumapit kay Carmen. Tense na tense si Anibal at ikot ng ikot sa harapan na parang bata. Sinilip nya kung sino ang nanalo.

Si Luz at si Rafael ang nasa control room at sa sobrang excitement ni Luz, she zoomed the camera sa likod ni Anibal at kitang kita nya na si Felipe ang nanalo, pero ang in-announce na nanalo ni Anibal ay si Rodrigo at itinago ang sobre. Nagalit ang engineer at sinabing isusumbong nya si Anibal kay Mr. Franco, pero syempre, nagpakatuso ang kalbo at tinakot ang engineer. Dahil dito, ramdam mi Luz na makakarating kay Anibal ang ginawa nyang pagsilip sa resulta kaya gumawa sya ng kopya ng video na si Felipe ang nanalo sa botohan. Ipinadala nya ito sa opisina ni Susie.

Sa loob ng hotel, bago magpack up, sinabi ni Rodrigo na kaya sya pumasok sa hotel ay para patunayan na hindi sya totoong bakla, na totoo lahat ang nararamdaman nya kay Carmen, blah blah [hehehe], at dahil sa diary. Nag "sweet dreams" pa sya kay Carmen.

Nang pumasok sya sa kitchen, nakita nyang nakalabas lahat ang laman ng ref, at wala dun yung diary nya. Hawak ito ni Cezar at mukhang nabasa sa loob ng ref at nabura ang lahat ng katotohanan na nakasulat dun [too bad..]

Dahil sa sinabi ni Rodrigo na "sweet dreams" kay Carmen, nanaginip sya na nagme "make love" sila. [Inedit kaya hanggang kisses lang, sayang!! hahaha]. Nagising sya at nakita nya si Susie at yung boyfriend nya na naghahalikan. Kinwento nya kay Susie, at sabi ng kaibigan ay kung ano raw yung iniisip ay yun ang napapanaginipan. Nagpadala naman ng mga bulaklak si Alberto kinaumagahan.

Nang umagang yon, nagsumbong ang engineer kay Susie. Naniwala sya pero alam nila na tuso si Anibal at pipilitin syang baligtarin. Sakto naman na tumawag si Luz kay Susie at sinabing may envelope syang inilagay sa mesa nito. Ito ang copy ng video ng pandaraya ni Anibal, kaya may panlaban na sila kapag nagka usap-usap na sila nina Mr. Franco.

Nang magpunta si Carmen sa Hotel para kunin yung diary [recipe book para hindi malaman sa control room], masama na ang mukha ni Rodrigo at inabot ang recipe book, sinabi nyang nabura ang mga nakasulat kya hindi rin magagamit. Syempre umiiyak na umalis si Carmen habang pilit na binabasa ang ilang isinulat pa ni Rodrigo.

Pumunta si Anibal sa hotel, tyempo naman na pumunta si Susie sa control room upang makausap si Luz. Tyempo rin na dinala ni Anibal sa van si Rodrigo at kitang kita nila ito sa camera. Napaisip si Susie kung bakit sa van pa kailangan kausapin si Rodrigo, kaya ang nabuong ideya ay nagkasabwat sina Rodrigo at Anibal sa premyo at panloloko kay Carmen [wawang Rodri, tsk tsk tsk], na ang lahat nang nangyayari ay planado na.

Binalaan muli ni Anibal si Rodrigo dahil nakita ni Gloria ang pag abot ng diary kay Carmen. Pero hindi papayag si Rodrigo na sirain ni Anibal si Carmen kaya kahit ano ay gagawin nya, pinaalala naman ni Anibal na kapag ginawa nya yon, at ipinaalam sa buong madla na hindi sya bakla, kakasuhan sya ayon sa kontrata. Pinaalala din ni Rodrigo na hindi sya "official" na contestant dahil hindi pa sya nananalo kay Ramon [good point! hahaha] kya hindi nya magagamit ang kontrata laban sa kanya.

Kinausap ni Susie at Luz si Carmen at sinabi ang ideyang nabuo sa isip nila. Sa tuwing may mangyayari kay Rodrigo [nung naospital sya, nung lalabas na sya, nung babalik sa hotel...] kinakausap muna sya ni Anibal sa van at matagal silang mag-usap, kaya ang alam nila ay magka kunchaba sila. Kaya ang conclusion nila, kasama sa plano ang paibigin si Carmen, para mag stay sa programa. Tumindi ang galit ni Carmen at gusto na nyang sugurin ang dalawa, at wala na syang pakialam kung masira ang career nya, basta matigil lang ang panloloko sa kanya.

Si Rodolfo na ang bagong spy ni Anabel, yun ay kung hindi sya mapapaikot ng babaeng ahas, hahaha..

Si Cezar naman ay nagiging mabait sa lahat ng contestant, pero nahalata na ni Valentina ang strategy nya para mag stay.

Naiwan ni Anibal ang cellphone nya sa van, nakuha ito ni Vicky. Saktong tumawag si Martha at si Vicky ang nakasagot. Nagkakatotoo tuloy ang kasinungalingan ni Lucia na si Vicky at Anibal ay may relasyon. Ngayon, may problema pa ang kalbo sa asawa nya, hahaha...

>>

Kaya tingin ko, kung si Rodrigo ang mananalo kay Ramon, mukhang nagiging magkaibigan nga sila ni Valentina, on the other hand, kung mananalo sya kay Ramon, lalong magagalit si Carmen at iisipin nya na ginamit nga lang sya ni Anibal.
Kelan at pano nga kaya makukumbinsi na lalaki si Rodrigo at totoong mahal niya si Carmen, at hindi palabas lang??...


01-07-2009


Well, kanina, pinag usapan nina Rafael at Anibal kung ano ang gagawin nila para napanalo si Rodrigo ngayon at mainit na sila sa mata nina Susie at Carmen. Hindi nila pwedeng palabasin na madali para kay Rodrigo ang challenge.

Sinusubukan naman ni Rodrigo si Carmen habang hindi pa sila on air, pero umiiwas si Carmen. Kitang kita ito sa control room at kung pwede lang ay sinugod na ni Anibal ang dalawa sa Hotel.

Nagpunta si Vicky sa bahay nina Anibal para kausapin si Martha, pero nagkataon na pinapunta ni Martha si Lucia para Ipanood ang laman ng video tape.

Nagkainitan sina Martha at Vicky, pero pinilit ni Vicky na ipaintindi kay Martha na wala silang relasyon, at sa halip, si Lucia ang kerida ni Anibal. Sinabi nito na ilang beses nagpunta si Lucia sa hotel kung san tumutuloy si Anibal nung mga panahong nagkahiwalay sila. Kahit papano ay naniwala si Martha at pinaalis si Lucia, hindi na nya napanood ang video tape.

Naging mainit ang laban nina Rodrigo at Ramon. Kailangan nilang i-entertain ang dalawang bisita na hindi marunong mag-English at ipasa ang task para sa "match making" test ng dalawang guest. Sa unang round, kung san papupuntahin ang guest sa lugar ng date, nanalo si Ramon. Sa pangalawang hamon naman, nanalo si Rodrigo sa pagtuturo ng sayaw, kaya kaabang abang kung sino ang mananalo sa 3rd round. Ang mga contestant ay nagchi-cheer para kay Rodrigo.

Sa TV station, inaabangan ni Susie kung sino ang mananalo sa challenge, at saktong pumasok si Lucas upang yayain syang mag dinner. Tumanggi ito at sinabi nya ang kanyang hinala na magkakunchaba si Rodrigo at si Anibal, kaya gusto nyang malaman kung sino ang mananalo. Syempre hindi naniniwala si Lucas at in-oppose nya ang ideyang ito. Pero inabot ni Susie ang video tape at sinabing naroon ang ebidensya ng pandaraya ng kalbo, na si Felipe ang nanalo sa botohan.

Bukas pa mapapanood ni Lucas ang video tape, dun nila pinutol... Hehehe...


01-08-2009


Nagpunta si Rodolfo sa bahay ni Anabel upang kunin ang "motorsiklo" na pangako ng babaeng ahas. Pero kapalit nito ang impormasyon tungkol kina Rodrigo at Lucas.

Ipinapanood naman ni Susie ang tape na naglalaman ng pandaraya ni Anibal. Ipinagtanggol pa ni Lucas si Rodrigo na wala siyang kinalaman sa ginagawa ni Anibal. Pero mapilit si Susie at nais niyang malaman kung bakit ngayon ay pinapanigan niya si Rodrigo. Ang tanging nasabi nya ay nakaka relate siya sa kwento ng buhay nito at alam niya na mabuting tao si Rodrigo at may malambot na puso sa kapwa. Sa tindi ng mga akusasyon ni Susie na pati ang panloloko kay Carmen ay kasama sa plano ng dalawa, nag walk out na lang sya at wala nang naisagot.

Ang huling challenge ay kung paano ipapaliwanag sa guest at sa ka-match nito na sila ang para sa isa't isa. Ang pagpapaliwanag ni Ramon ay inihalintulad niya sa sitwasyon nila ni Diana, na kahit ano pa ang mangyari ay handa niyang ibigay ang lahat para sa kanyang minamahal, maging ito man ay masakit para sa kanya.

Kay Rodrigo naman, humingi siya ng 5 minuto kung sakaling hindi siya ang manalo sa huling pagsubok. Inihalintulad niya ang explanation sa sitwasyon nila ni Carmen. Bagamat hindi sila lubos pang magkakilala, sana magawa pa rin siyang pagkatiwalaan na hinding hindi niya ito magagawang saktan, at minsan, mas may katotohanan sa mga bagay na ikinikilos at ipinapakita kesa sa mga naririnig at sinasabi lang. Mahirap man paniwalaan, pero minsan yun ang katotohanan. [Syempre halos lahat ay teary-eyed, lalo na si Carmen na may mga 'second look' pa kay Rodrigo, yeehee!! wahahahaha]

Binigyan ng puntos ang bawat explanation nila. Si Ramon ay nakakuha ng 8.4 samantalang si Rodrigo ay 9.2. Nagwawalang umalis si Ramon sa labas, nakita pa niyang magkasama ang psychologist at si Diana kaya lalo syang nasaktan. Tuwang tuwa ang kalbo habang pinapanood din sya ni Susie sa loob ng control room. Mas lumakas ang hinala niya sa kunchabahan ng dalawa. Ibinigay ni Susie ang 5-minute na pagkakataon ni Rodrigo para magsalita, pero hindi nya ito ginamit.

Inamin ni Rodolfo na magkaibigan sina Lucas at Rodrigo. Matagal na silang magkaibigan. Kaya ito ang maaring sumira kina Rodrigo at Lucas, dahil ibig sabihin ay lumabag sa patakaran si Lucas na hindi pwedeng ma-involve ang sinuman sa mga taga station sa mga contestants. Ito ang magiging malaking pasabog ng babaeng ahas.

Nagkita pang muli sina Anibal at Lucia. Samantala, iniwan na ni Martha ng tuluyan si Anibal, kaya pag uwi nito ng bahay, wala ng tao.

Tumawag si Lucas kay Santiago, upang ipaalam na nangungulila na sya rito at halos gustong gusto na nyang sabihin kay Susie na magkaibigan sila ni Rodrigo. Kailangan nya nang muli si Santiago para sawayin sya at bigyan ng advice tungkol sa problema nya kina Carmen at Rodrigo, kahit pa na kilig na kilig sya sa dalawa pag nakikita sa TV.

Paano ko nasabing malapit lapit nang matapos?? Dahil sila na ang Official Final 6 at ibibigay na lahat ng matinding challenge para sa mga contestants.

[Pakiramdam ko, sina Rodrigo, Valentina st Edgar ang matitira as Final 3]


01-09-2009

Nag-usap sina Luz, Carmen at Susie sa opisina, at confirmed na nila na may babae si Anibal. Then ito rin ang naging karugtong ng theory nila kung pano nakapasok sa Hotel si Rodrigo, na napagtripan nina Lucia at Anibal si Rodrigo na magpanggap na bakla para maipasok sa show. Unconsciously, ipinagtatanggol ni Carmen si Rodrigo dahil wala naman silang proof na may kinalaman si Rodrigo sa pagmamanipula ni Anibal, na maaaring biktima lang sya. Kay Anibal, marami silang ebidensya, pero kay Rodrigo, walang malinaw na proof.

Nagkausap si Lucas at Santiago at ipinayo nito na sabihin na nya kay Carmen ang totoo. Syempre ayaw ni Lucas dahil mahihirapan siya at maaari siyang mawalan ng trabaho. Pero mas lalo syang mahihirapan dahil ang bestfriend nya ay inaakusahan ng kung anu-anong bagay na wala namang basehan. Sa huli, nakumbinsi rin siyang magsalita kina Carmen at Susie.

Para sa bagong pakulo ng production, kumuha si Vicky ng isang expert sa MIND READING, hypnotism, telekinesis at paranormal [hmmm... mukhang ito na ang chance ni Rodrigo para ipaalam ang totoo]. Dito na malalaman kung sino ang totoong Rodrigo Leal [tingin ko hindi nila hiningi ang 'go signal' ni Anibal dito, kaya sana basta na lang ma-hypnotize si Rodrigo para masabi ang lahat ng plano ni Anibal,at sana napapanood ni Carmen, Wahahahah]

Kung papaano naging close sina Rodrigo at Valentina [another option para mapatunayan na hindi siya bakla] ay dahil pakiramdam ni Valentina na masyado na silang nagiging close sa isa't isa at malamang ay siya na ang susunod na mapapauwi. Nang pumasok si Rodrigo sa kwarto nila, napansin niya na umiiyak si Valentina at sinabi naman nito ang nasa loob niya. Nagawa naman siyang i-comfort ni Rodrigo at nagharutan pa sila. Napansin ni Luz at ng isa pa ang harutan, kaya nsabi nila na mukhang hindi naman talaga totoong bakla si Rodrigo [sana lang nakita ito ni Carmen].

Kinausap ni Susie ang engineer [a.k.a. Max] at nakipagkunchabahan na kunwari ay sinisante siya nito at hindi naniwala sa mga paliwanag upang malaman kung may mga itinatago pa si Anibal. Pumatok naman ang palabas kay Anibal.

Tumutuloy si Martha sa isang kaibigan na nagpayo sa kanya na ibigay kay Vicky ang video tape, dahil mukhang mahalaga ito kay Anibal at ito ang ipanglalaban nila.

Habang sa isang banda, hindi na mapigilan ni Lucas na aminin kina Susie at Carmen na magkaibigan sila ni Rodrigo nung simula pa lang. Nagkataon na naunahan siya ni Anabel, kaya hindi na niya napigilan ang pag iyak. Natuwa si Rodolfo, pero hindi niya naisip na kapag sinibak si Lucas, tapos din ang trabaho nya.

Hindi na nagawang ipaliwanag ni Lucas kung paano nangyari ang mga bagay-bagay dahil agad siyang dinala ni Anibal papunta sa opisina nito. At doon ay naganap na naman ang isang pangba blackmail: kapag nalaman ng lahat ang totoo na matagal na silang magkaibigan, mawawalan sila ng trabaho pare-pareho, at pati si Carmen na kaibigan ni Lucas ay madadamay: ang career, ang lovelife at pagkakaibigan nila, pagbabayarin din ng malaki si Rodrigo. Kaya, walang magagawa si Lucas kundi ang sumunod sa kalbo... ='(

0 comentarios:

Publicar un comentario

Related Posts with Thumbnails