Lalola has not yet graced the screens but there have been reports that another remake is in the works. This time, GMA has decided to remake Zorro. Set to don the mask is Richard Gutierrez.
Telemundo's Zorro: La Espada y La Rosa was shown in the Philippines through GMA's rival network, ABS-CBN, although the Filipinos were not able to see the entire telenovela. ABS-CBN pulled the plug after only a few months of airing the said Colombian-American production.
Naibalita na ang susunod na soap ng kapareha ni Richard Gutierrez sa Codename: Asero na si Heart Evangelista ay ang Luna Mystica, isang fantaserye kung saan si Mark Anthony Fernandez ang makakasama niya. Manggagaling naman si Mark sa magtatapos sa susunod na linggo na romantic-comedy series na Ako si Kim Samsoon ka-partner si Regine Velasquez.
Ang Luna Mystica ang papalit sa Codename: Asero kapag nagtapos ito.
Si Richard naman, nagsisimula nang mag-aral ng fencing dahil ang kanyang susunod na primetime series sa GMA-7 ay Zorro, ang fictional Mexican character na isinulat ni Johnston McCulley noong 1919.
Una itong naisapelikula ni Douglas Fairbanks noong 1920 na may titulong The Mask of Zorro. Ang naturang first Hollywood action star din ang gumawa ng sequel nito noong 1925 na Don Q, Son of Zorro. Si Antonio Banderas ang huling gumanap na Zorro sa big screen noong 1998 at 2005.
Sa TV naman, una itong naging serial sa Walt Disney noong 1957 at si Guy Williams ang gumanap sa Zorro hanggang magtapos ito noong 1959.
Noong 2007, nag-team up ang Sony TV at Telemundo para sa seryeng Zorro: La Espada Y La Rosa starring the Peruvian actor Christian Meier at naipalabas ito sa Pilipinas, sa ABS-CBN. Malamang na ito ang rights na binili ng GMA-7 para sa bagong show ni Richard.
Hinahanapan pa ng bagong makakapareha si Richard para sa Zorro.
Ang Zorro ang ika-pitong lead-starrer ni Richard sa primetime block ng GMA-7. Una siyang nabigyan ng malaking break sa Mulawin, na sinundan ng Sugo, Captain Barbell, Lupin, Kamandag, at ang kasalukuyang Codename: Asero.
Pero bago siya naging lead star sa mga nabanggit na fantaserye at action-adventure series ng GMA-7 ay nakasama muna siya sa mga primetime soaps gaya ng Ikaw Lang ang Mamahalin at Habang Kapiling Ka.
0 comentarios:
Publicar un comentario